ISYUNG PANLIPUNAN: KAHIRAPAN, PAANO MASOSOLUSYUNAN
ni Aldrich Bonzon ng 8 St. Rita of Cascia
Kahirapan, isa sa napapanahong isyu na kinakaharap ng ating bansa. Ito ay isang mabigat na problema dahil dito sinasalamin ang kalagayan ng bansa. Pero bago natin talakayin ng husto ang naturang isyu, sagutin natin ang mga tanong sa ibaba.
Naitanong mo ba sa sarili mo na dapat nating sisihin ang gobyerno sa kahirapan na nararanasan natin ngayon? Sila ba talaga ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na nagbubulag-bulagan at nagtatamad-tamaran? May magagawa ba tayo para mawakasan ang kahirapan? Ano ang magagawa mo para sa ikaka-unlad ng bansa?
Isa sa mga dahilan ng paghihirap ng ating bansa ay kawalan ng pagtutulungan, walang tigil na digmaan, krisis, kurapsyon, sobrang paggasta ng pera sa mga bagay na hindi kailangan, hindi tamang paggamit ng mga likas na yaman, at kawalan ng disiplina ng mga tao. Kung patuloy natin itong paiiralin, walang mangyayaring maganda. Hindi natin makakamit ang pag-unlad at maaaring lumala ang kahirapan ng ating bansa at ang mga mamamayan ay lubusang maapektuhan.

Upang mapigilan ang kahirapan ng ating bansa, kailangan natin ng disiplina sa sarili para hindi natin magawa ang pagmamalabis at ibang negatibong epekto na siyang magdudulot ng kahirapan. Hikayatin natin ang ating sarili na gumawa ng ikabubuti ng nakararami at iwasan ang pagkakaroon ng crab mentality. Sa halip tayo ay magsipag para makamit natin ang ating pangarap at makatulong sa bansa. Piliin din ang mga taong karapat-dapat na mamuno sa bansa at hindi sakim sa pera.
Kumilos tayo hanggang may oras pa.
Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay magtutulungan at magdadamayan. Kapag ito ay magagawa ng bawat isa sa atin, tiyak na makakamit natin ang mabuti at maunlad na bansa.